saluyot

the ilocano encyclopedia

Mahal Kong Ina

Melissa Valdez

Mula ng ako’y mabuo sa sinapupunan

Tinuring ko ang ina na parang ginto

Na hinubog sa aking pagkatao

At nakakaunawa sa pintig ng damdamin ko

Continue reading

May 20, 2009 Posted by | Tulang Filipino | , , | 12 Comments

NANAY KO, MAHAL KO

Rena Ganado

Madilim-dilim pa kung ika’y babangon sa higaan mo

Kahit inaantok pay pilit tatayo

Makagpaghanda lang at makapagluto

Para sa aming mga anak mo.

 

Paggawa ng suman ang kinahiligan mo

Madalas sa palengke itoy iyong inilalako

Kumikita ng kaunting porsiento

Sapat na para makabili ng maluluto.

 

Sa loob ng dalawamput isang taon ko

Di ko nakitang nagsasawa ka sa ginagawa mo

Araw araw walang pagbabago

Pag-aaruga mo sa amin sulido.

 

Dakila kang ina

Nanay ko, yan ang turing ko sayo

Hinahangaan kita’t saludo

Sa katatagan at katapangan mo.

 

Sa iyong pagtanda ako ang aagapay sayo

Di mabubura dahil itoy aking pangako.

Nanay ko, mahal ko,

Para sa akin, ikaw ang number 1 sa buhay ko.

October 10, 2008 Posted by | Daniw (Iluko Poem) | , , , , , | Leave a comment

Salamat, Inay

Kaygandang pagmasdan mundong aking ginagalawan

Salamat sa iyo inay, akoy isinilang

Hirap at sakit dinanas

Makita ko lang ganda ng mundo.

Kaypalad ko  pagkat akoy nagkaroon inang mapagmahal

Haplos at yakap na nagbigay sa akin ng ligaya

Inay, ikaw ang aking ilaw sa paglaki

Salamat sa lahat mong sakripisio

Inay kong mapagmahal,

Handog ko sa iyo sa araw ng puso…

Ang aking pagmamahal at respeto.

Karen Mae Manzano

August 12, 2008 Posted by | Tulang Filipino | , , , , , | 1 Comment

   

The Straight Up

Pre-prohibition cocktails and modern twists on classics

Ridha's Kitchen

Daily food and treats in D's family

Beer & Whiskey Brothers

Keep in Good Spirits, and Keep the Good Spirits in Ya!

124 park

food adventures. based in brooklyn.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 9,450 other followers